Paano Nakakatulong ang Pagsusulat ng Confessions sa Mental Health
Hindi lahat ng tao kayang magsabi ng nararamdaman nang harapan. Para sa iba, mas madali itong isulat kaysa sabihin. Sa simpleng proseso ng pagsusulat, nagkakaroon ng linaw ang magulong isip.
Ang AFK Confessions ay nagsisilbing outlet.
Kapag naisulat mo ang iniisip mo, parang may nababawas na bigat. Hindi man nito agad naaayos ang problema, pero nakakatulong itong gawing mas malinaw ang sitwasyon. Unti-unti, mas nagiging manageable ang nararamdaman.
At minsan, iyon lang ang kailangan.