"Hindi naman talaga ako nagyoyosi. Pero nung inabot niya sakin yung Marlboro Red niya, tinanggap ko agad kahit gusto ko n..." — Confession from Baguio | AFKConfessions
Hindi naman talaga ako nagyoyosi. Pero nung inabot niya sakin yung Marlboro Red niya, tinanggap ko agad kahit gusto ko na umubo sa unang hit. Tawang-tawa pa siya habang halos mamatay ako sa sakit ng dibdib. Funny thing is, hanggang ngayon kapag nakakaamoy ako ng yosi, siya pa rin naaalala ko. Sakit sa dibdib, Be. Hindi dahil sa Marlboro Red. Ikaw talaga.