"Nakakapagod maging “strong friend.” Yung tipong ikaw lagi yung takbuhan kapag may problema sila, pero kapag ikaw na yung..." — Confession from Kauman | AFKConfessions
Nakakapagod maging “strong friend.” Yung tipong ikaw lagi yung takbuhan kapag may problema sila, pero kapag ikaw na yung tahimik, walang nakakapansin. Sanay silang makita akong tumatawa, kaya akala nila okay lang ako palagi. Hindi nila alam ilang gabi na akong umiiyak mag-isa. Minsan gusto ko rin maranasan yung may mangangamusta sakin nang hindi dahil may kailangan sila. Kasi kahit gaano ka katatag, mapapagod ka rin palang dalhin lahat nang mag-isa.