"Mahal ko pa siya, pero pagod na pagod na ako. Hindi dahil may iba siya, kundi dahil pakiramdam ko ako nalang yung lumala..." — Confession from ph | AFKConfessions
Mahal ko pa siya, pero pagod na pagod na ako. Hindi dahil may iba siya, kundi dahil pakiramdam ko ako nalang yung lumalaban para samin. Nakakapagod palang intindihin yung taong unti-unti ka nang kinakalimutan habang ikaw, pilit mo pa ring pinipili araw-araw. Ang sakit kasi wala naman siyang malaking kasalanan. Pero minsan, kahit walang sigawan o pagtataksil, mararamdaman mong hindi ka na mahal gaya ng dati. At ‘yon yung pinakamasakit.