"I Stayed Too Long in a Relationship That Was Already Over Alam ko nang tapos na. Wala nang excitement, wala nang effort...." — Confession from ph | AFKConfessions
I Stayed Too Long in a Relationship That Was Already Over Alam ko nang tapos na. Wala nang excitement, wala nang effort. Pero hindi pa rin ako umalis. Hindi dahil mahal ko pa. Kundi dahil sanay na ako. Mas natakot ako sa pagiging mag-isa kaysa sa pagiging miserable. Ang hirap umalis sa isang bagay na hindi na masaya pero pamilyar. Hanggang sa dumating sa point na na-realize ko, hindi na ako nasasaktan, numb na lang. At dun ko nalaman, that’s worse.