"Akala ko okay na ako. One year na kaming wala, at natuto naman akong mabuhay nang hindi siya kasama. Pero minsan sapat n..." — Confession from ph | AFKConfessions
Akala ko okay na ako. One year na kaming wala, at natuto naman akong mabuhay nang hindi siya kasama. Pero minsan sapat na pala yung isang random na alaala para bumalik lahat ng sakit. Yung comfort niya. Yung paraan ng pagtawa niya. Yung pakiramdam na may taong siguradong uuwian ka. Ang hirap palang kalimutan yung taong minsang naging tahanan mo, lalo na kapag hanggang ngayon, kahit masakit, parte pa rin siya ng bawat tahimik mong gabi.