Elevator Crush Turned Heartbreak
Akala ko dati office crush lang siya. Yung tipong taong palagi mong nakakasabay sa elevator tuwing umaga tapos hanggang tingin lang naman. Hindi ko nga alam pangalan niya noon. Basta pamilyar lang yung mukha niya sakin dahil halos pareho kami ng oras pumapasok. May mga tao talagang kahit wala kayong interaction, somehow nagiging parte ng routine mo. Ganun siya sakin. Kapag bumukas yung elevator at makita ko siyang nasa loob, ewan ko ba pero parang gumaganda agad umaga ko. Tahimik lang siya lagi. Malinis manamit. Hindi maingay. Yung tipo ng tao na mukhang may sariling mundo pero hindi intimidating. Hindi ko naman sineryoso yung crush ko noon. Simpleng kilig lang habang nagtatrabaho. Hanggang sa dumating yung araw na kailangan kong magpa-sign ng notarized contract sa isang employee na hindi ko pa nami-meet personally. Pagdating ko sa office niya, siya yung bumungad sakin. Doon ko narealize na buong time pala, iisang company lang kami. Hindi lang building. Tawa pa nga kami nang tawa noon kasi pareho naming napansin na lagi kaming nagkakasabay sa elevator pero ni minsan hindi kami nag-usap. After nun, parang ang dali nalang ng lahat. Nagsimula sa simpleng kamustahan hanggang sa naging lunch together, sabay mag-coffee, random chats during work hours. Hanggang sa hindi ko namalayan, siya na pala yung unang taong gusto kong ikwento kapag may nangyari sa araw ko. At ako rin pala yung naging takbuhan niya. Alam ko halos lahat tungkol sa kanya. Mga frustrations niya sa work. Family problems. Mga insecurities niyang hindi niya sinasabi sa iba. May mga gabing aabutin kami ng madaling araw sa tawanan at kwentuhan na parang hindi mauubos yung oras. Kahit nung nag-resign ako at lumipat ng company, hindi kami nawalan ng communication. Every year, magkasama kami tuwing birthday niya. Minsan simpleng dinner lang. Minsan long drive. Minsan tambay lang habang nagkukwentuhan tungkol sa kung gaano kabilis tumakbo yung panahon. At siguro doon ako pinaka-nahulog. Kasi ang hirap hindi mahalin yung taong ginawa kang tahanan habang unti-unti rin siyang nagiging tahanan mo. After two years na ganun kami, saka lang naging official. Nakakatawa nga kasi yung office crush na hanggang elevator lang noon, naging boyfriend ko rin eventually. Kala ko yun na. Kala ko lahat ng paghihintay may magandang ending. Pero minsan pala kahit gaano katagal mong kilala yung tao, may version pa rin sila na hindi mo maaabot. Ilang buwan lang naging kami bago ko nalaman na may iba na pala siya. At hindi lang simpleng overlap. Yung babae rin pala yung naging asawa niya eventually. Hanggang ngayon, yun siguro yung parte na pinakamasakit isipin. Hindi yung iniwan niya ako. Kundi yung realization na habang binubuo ko siya sa isip ko bilang “the one,” ako pala yung pansamantalang pahinga lang sa buhay niya. Minsan naiisip ko pa rin yung elevator na yun. Yung simpleng pagsabay namin tuwing umaga na akala ko random lang. Hindi ko naman alam na dun magsisimula yung isa sa pinakamagandang connection at pinakamabigat na heartbreak na mararanasan ko. Pero ganun yata talaga minsan ang buhay. May mga taong dadaan lang para turuan ka kung gaano kalalim magmahal… kahit hindi ikaw yung pipiliin sa dulo.