highschool crush
may nabasa ako na confession dito about sa crush kaya share ko n lang din yung akin hahahahahhaha may phase talaga sa buhay ko na sobrang loud ko sa crush ko, as in wala akong pake kung sino makarinig 😭 Second year high school ako nun tapos yung crush ko, classmate ng kuya ko. Third year siya, so medyo “kuya” vibes na agad. Pero grabe, crush ng bayan levels siya that time. Poging pogi ako sa kanya, mukhang malinis, tapos may konting bad boy aura. Alam mo yung tipo na kahit wala siyang gawin, papansinin talaga. Eh ako, hindi marunong magpigil HAHAHA. Uso pa nun yung GM sa text, so lagi ko siyang sinasali. Minsan diretsong “hi” or “hello” pa, kahit walang context 😭 tapos feeling ko ang smooth ko na nun. Nagbibigay pa ako chocolates pag Valentine’s, may pa-letter pa minsan. As in effort na effort. Pero sis… wala talaga. Hindi niya ako pinapansin. As in alam niyang crush ko siya pero deadma lang. Kahit anong papansin ko, walang effect. Ngayon ko lang narealize na medyo makulit pala ako noon HAHAHA. Hanggang sa grumaduate ako ng high school, crush ko pa rin siya. Ganun ako ka-committed sa pagpapansin 😭 natigil lang nung lumipat kami ng fam ko sa ibang lugar. Parang bigla na lang nawala. Out of sight, out of mind na rin siguro.