LATE KO NA NAREALIZE
Hindi kami nag-start sa kilig. In fact, medyo naiinis pa nga ako sa kanya nung una. Office mates kami. Siya yung tipo na laging maingay, laging may comment sa lahat, tapos parang hindi nauubusan ng energy. Ako naman, tahimik lang, trabaho-uwi, ayokong kinakausap pag hindi kailangan. Pero ewan ko, somehow lagi kaming nagkakatabi. Sa meetings, sa lunch, kahit sa random na errands, parang lagi siyang nandun. Siya yung unang nag-iinitiate ng usapan, ako yung laging short answers lang. Hanggang sa nasanay na lang ako. Dumating sa point na hinahanap ko na yung ingay niya. Kapag tahimik siya, parang may kulang. Kapag wala siya sa office, parang ang boring ng araw. Hindi ko pa rin inaamin sa sarili ko that time. Akala ko comfortable lang ako. Hanggang sa isang gabi, overtime kami pareho. Halos lahat umuwi na. Naiwan kami sa office, kanya-kanya ng ginagawa. Bigla siyang tumabi sa desk ko, naglabas ng pagkain, tapos inabutan ako. “Hindi ka pa kumakain, diba,” sabi niya. Wala akong dalang pagkain that time. Hindi ko rin napansin na gutom na pala ako. Doon ko naramdaman na hindi na siya simpleng kasama lang. Simula nun, mas naging close kami. Mas madalas na magkasama, mas madalas na magkausap. Hindi naman officially anything, pero ramdam mong may something na. Akala ko tuloy-tuloy na. Hanggang sa isang araw, casually lang niyang nabanggit na may ka-date siya. Ngumiti pa siya habang kinukwento, parang normal lang. Pero sa akin, parang may nag-shift. Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako. Doon ko lang inamin sa sarili ko na gusto ko siya. At doon ko rin na-realize na late na pala. Hindi ko siya pinigilan. Hindi ko rin sinabi kung anong nararamdaman ko. Hindi naman kami naging “kami,” kaya wala rin akong karapatan. Unti-unti, naging less na yung usapan namin. Hindi na tulad ng dati. Hanggang sa naging casual na lang ulit. Office mates na lang ulit. Lumipas yung time. Naging normal ulit lahat. Pero minsan, may mga moments pa rin na naaalala ko. Yung mga simpleng bagay na hindi ko pinansin noon. Yung mga pagkakataon na pwede sana akong magsalita, pero pinili kong manahimik. Ngayon, okay na ako. Wala na yung mabigat na what if. Pero may konting sayang pa rin. Kasi hindi naman ako na-reject. Hindi lang ako umabot.