My Recurring Dream World Since HS and It Keeps Expanding
I’ve been dreaming about this since high school, and now college na ako. Hindi ko na maalala yung pinakaunang panaginip ko nito, pero parang lagi siyang nagsisimula sa isang sobrang lawak na bukid. Habang palayo ka nang palayo, parang nagiging ibang lugar na siya. May mga baliw doon, parang tapunan sila ng mga baliw or abandoned people. Usually normal lang yung start ng panaginip, then may mapapansin akong building tapos sasabihin ko, “Ang ganda naman.” Pero maya-maya mapapansin ko na yung mga tao doon, baliw pala sila. Tapos hahabulin nila kami kaya kailangan naming hanapin yung daan pabalik. Naalala ko rin na laging may mga taniman na puro bakal or metal structures na kailangan naming lagpasan. Tapos palaging may isang lalaki na magtatapon sa akin ng mapa. Lagi niyang sinasabi na tatanggapin daw kami ng mga tao sa map na ‘yon. Kami rin yung pipili kung saan dadaan, pero somehow ako lagi yung responsible sa pagdedesisyon. Sa isa sa mga last dreams ko tungkol dito, napunta kami sa lugar na puro dagat. Walang matanim, hindi rin umuulan, pero mababait yung mga tao. Dahil masipag ko, nakapagpatubo ako ng isang gulay doon, tapos eventually naging okay rin yung buhay namin doon. Pero this time, tinulungan talaga kami ng mga tao kung saan talaga ako nanggaling which is sa Pilar, Bataan para makabalik. Tapos nakita ko yung friend ng dati kong kaklase, hinahanap niya yung kaklase ko na kasama ko raw umalis or pumunta don sa weird na place. 😭 Ang weird kasi pinakita niya pa yung pictures namin nung high school. Ang creepy part is totoo na napanaginipan ko na talaga years ago na magkasama talaga kami ng kaklase ko sa same “dream world” na ‘to pero hindi ko siya kasama last night sa panaginip ko na to. 😭 Parang may sarili na siyang timeline or universe at this point