nagalaga ng aso para sa pagibig??? something id do
Hindi ko alam kung kailan ako naging gano’n ka baliwpara sa isang tao. Siguro nung nagsimula akong mag-jogging kahit ayoko naman talaga tumakbo. Araw-araw akong gumigising nang maaga kunwari para “maging healthy,” pero ang totoo, kabisado ko na schedule ng training nila sa field. Alam ko kung anong oras sila dumadating. Alam ko kung saan banda siya madalas tumayo. Alam ko pa nga kung kailan siya iinom ng tubig kasi doon siya saglit tumitigil sa ilalim ng puno. At ako? Kunwari nag-i-stretch sa malapit habang palihim siyang tinitingnan. Ang tanga pakinggan ngayon pero grabe, ang saya pala ng may inaabangan ka araw-araw. Kahit simpleng sulyap lang. Kahit minsan hindi naman kayo magkausap. Pero siyempre, dumating sa point na hindi na enough yung simpleng tingin lang mula sa malayo. Kaya nung nakita kong nagbebenta siya ng aso online, bumili agad ako kahit wala naman akong alam mag-alaga. Imagine, buong allowance ko halos napunta sa aso na yon. Tapos nung meetup namin, parang gusto kong matawa sa sarili ko kasi ang obvious ko na pala. Siya chill lang, inaabot sakin yung maliit na cage habang ako halos kabahan sa simpleng pagdikit ng kamay namin. “Alagaan mo ha,” sabi niya. At ewan ko ba, parang masyado kong sineryoso. Inalagaan ko talaga yung aso na parang parte siya nung taong gusto ko. Tuwing pinapakain ko yun, naaalala ko siya. Tuwing naglilinis ako ng cage, parang may maliit akong dahilan para ngumiti. Ang absurd isipin pero yung aso na yun naging tulay ko papunta sa kanya. Hanggang sa namatay. At oo, umiyak ako. Hindi lang dahil sa aso, kundi dahil pakiramdam ko nawalan na naman ako ng dahilan para mag-message sa kanya. Nawalan ako ng maliit na koneksyon na pilit kong binubuhay sa isip ko. Nakakatawa kasi hindi naman niya alam gaano ka-big deal sakin yun. Sa kanya simpleng bentahan lang siguro. Sa akin? Buong character development. Tapos after ilang buwan, parang may sariling trip talaga yung universe. Bigla siyang nagbigay ng puppy sa kuya ko. Edi syempre napapunta na naman siya sa bahay. At ako naman si tanga, kunwari busy pero todo ayos ng buhok bago bumaba. Nakakatawa balikan ngayon kasi hindi ko na siya crush. Wala na yung kaba. Wala na yung paghihintay. Pero minsan naiisip ko rin… ang saya pala maging bata sa pagmamahal. Yung tipong willing kang gumawa ng pinaka-random na bagay para lang mapalapit sa isang tao kahit konti. Mag-jogging kahit tamad ka. Bumili ng aso kahit wala kang alam sa aso. Umiyak dahil sa koneksyon na ikaw lang naman yung nagbibigay ng meaning. At kahit medyo nakakahiya aminin ngayon, may parte sakin na thankful sa version kong yun. Kasi minsan sa buhay, kailangan mo ring maging konting tanga para maramdaman mong buhay ka talaga.