not meant to be:(
May mga kwento talaga na hindi nagiging “kayo,” pero hindi rin nawawala. Elementary pa lang, may something na. Grade 6 ako noon, tapos nung Valentine’s Day, ako lang yung binigyan niya ng flower. Hindi naman big deal sa iba, pero sa akin, sobrang tanda ko pa rin. Nasa akin pa nga hanggang ngayon. Wala naman kaming usapan, walang aminan, pero alam mo yung feeling na may something kahit hindi sinasabi? Nag-graduate kami, napunta sa same high school. Nagkaroon ako ng boyfriend, pero nandun pa rin siya. Parang laging nasa background lang. Hindi nanggugulo, hindi rin nawawala. Tapos siya naman, nagka-girlfriend, best friend ko pa. Ako pa nga yung nagtulak sa kanila noon. Ang weird isipin ngayon, pero that time parang okay lang, parang ganun talaga. Eventually, nag-break din sila. Pareho kaming single ulit, pero wala pa ring nangyari sa amin. Walang diretsong usapan. Hanggang parinigan lang, hanggang tinginan, hanggang “alam mo na yun” na hindi naman talaga sinasabi. College came, tapos umalis siya ng bansa. Doon na kami mas nag-usap through chat. Mas naging open, pero hindi pa rin malinaw. Parang laging bitin. May mga moments na ramdam mo na pwede na sana, pero walang umaamin. Tapos bigla na lang nawala siya. Walang explanation, walang paalam. Hindi ko rin tinanong. Hinayaan ko na lang. Sumunod na lang ako sa daloy ng buhay. Hanggang sa ako naman yung umalis ng bansa. Years later, nagkausap ulit kami. Kumustahan lang, casual, parang walang nangyari. Akala ko tuloy-tuloy na ulit. Pero isang araw, napansin ko na lang na hindi na kami connected. Wala na siya sa Facebook ko. Doon ko nalaman na may girlfriend na siya. Mas bata sa amin, same school dati. Ako naman, nandito na rin sa ibang chapter ng buhay ko. Kasal na ako. Masaya ako. Totoo yun. Mahal ko yung asawa ko, at alam kong mahal niya rin ako. Walang duda, walang what if. Pero minsan, may mga alaala lang talagang bumabalik. Ngayon kasi, nagbabakasyon ako dito sa Pilipinas. Habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit, nakita ko yung hard drive ko dati. Nandun pala lahat—mga pictures, videos, pati screenshots ng conversations namin. Binasa ko. At doon ko narealize kung gaano karaming beses na pwede sana, pero hindi nangyari. Ang dami kong gustong sabihin noon na hindi ko sinabi. Ang dami niyang pwedeng aminin na hindi rin niya ginawa. Pero siguro ganun talaga. Hindi lahat ng kwento meant magtuloy. Minsan, hanggang doon lang talaga. At kahit ganun, may purpose pa rin. Kasi kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ako naging ganito ka-driven noon. Siya yung naging reason ko para mangarap na makaalis, para maabot kung nasaan siya. Kahit hindi kami nagkatuluyan, may naidulot pa rin siya sa buhay ko. At ngayon, nandito ako sa tamang tao. Masaya. Payapa. Siguro tama nga. Pag hanggang doon lang kayo, hanggang doon lang talaga. At okay lang yun. Kasi minsan, hindi naman kailangan ng ending na “kayo” para masabi mong naging totoo yung naramdaman mo. Minsan, sapat na yung naging parte siya ng kwento mo. At kahit matagal na, parang kahapon lang lahat.