sayang, di ko nasabi
Best friends lang talaga kami nung una. Walang malisya, walang issue. Siya yung tipo ng tao na ang dali kausap at ang dali samahan. Sabay kami sa halos lahat, projects, activities, pati thesis nung college, kami yung laging magka-partner. Sanay na sanay na kami sa isa’t isa. Hindi ko napansin kung kailan nag-iba. Basta isang araw, iba na yung tingin ko sa kanya. Hindi na lang siya basta best friend. Hindi ko sinabi agad. Hindi naman ako yung tipo na umaamin basta-basta. Kaya ginawa ko na lang yung kaya kong gawin. Nandun ako palagi. Kapag may kailangan siya, ako yung una. Kapag nahihirapan siya, ako yung tutulong. Kahit minsan ako na yung napapagod, okay lang, basta siya. Alam ng mga tao sa paligid namin. Yung tipong hindi ko sinasabi pero halata na. Siya lang yung parang walang idea. O baka meron, pero pinipili lang i-ignore. Dumating yung time na naisip ko na umamin. Pagod na rin siguro ako magtago. Gusto ko lang malaman kung may chance ba o wala. Pinlano ko pa kung paano ko sasabihin. Simple lang, walang drama. Gusto ko lang maging honest. Pero hindi na ako umabot. Bigla siyang nagka-girlfriend. Wala akong kaalam-alam. Isang araw, sinabi na lang niya casually, parang normal lang na update. Ngumiti pa siya habang kinukwento. Doon ko narealize na tapos na pala bago pa man ako magsimula. Hindi na ako umamin. Hindi ko nakita yung point. Anong gagawin ko. Sisirain ko yung meron siya. Hindi naman ganun yung gusto ko. Kaya tinahimik ko na lang. Tinago ko lahat. After nun, unti-unti na rin kaming nagkahiwalay ng landas. Busy na sa sariling buhay. Hindi na tulad ng dati na araw-araw magkausap. Hanggang sa tuluyan na kaming nawalan ng connection. Lumipas yung ilang taon. Akala ko wala na. Tapos isang araw, nag-add siya sa akin sa Facebook. Nagulat pa ako kasi ang tagal na rin. Nag-message siya. Simpleng kumustahan lang. Parang bumalik lang sa dati yung tono ng usapan. Walang awkward, walang bigat. Parang hindi kami nawalan ng contact. Hanggang sa sinabi niya kung bakit siya nag-message. Ikakasal na daw siya. Sandali akong natahimik. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko that moment. Wala na yung sakit tulad ng dati, pero may konting kirot pa rin. Siguro dahil may part sa akin na naalala kung anong meron noon. Tapos tinanong niya ako kung pwede ba akong umattend. Ngumiti lang ako habang binabasa yung message niya. Ang daming pumasok sa isip ko. Lahat ng hindi ko nasabi, lahat ng pagkakataon na pinalampas ko. Pero sa huli, simple lang yung sinagot ko. “Sure, attend ako.” Kasi sa totoo lang, matagal na yun. Hindi na ako yung taong naghihintay sa kanya. At siya, hindi na rin siya yung taong minahal ko noon. Pero kahit ganun, hindi ko rin kayang i-deny na naging importante siya sa buhay ko. Kaya kung yun na yung ending ng story namin, okay na ako dun. Hindi ko man nasabi noon, alam ko naman sa sarili ko na naging totoo ako. At minsan, sapat na yun.