simple crush
may ganito na pala dito hahahahahhaha naalala ko tuloy yung pinaka OG kong crush tas gusto ko lang ikwento. Yung panahon na chinita ang standard ng “grabe ang ganda.” Siya yung tipong hindi naman maingay, pero pag pumasok siya, napapalingon ka talaga. Mala simple lang, pero iba yung dating. Alam mo yung hindi pilit, pero standout pa rin. All girls school siya galing, kaya nung time na yun uso yung “on.” Hindi pa masyadong complicated, parang “ah, sila na” ganun lang. Pero ako, tahimik lang sa gilid, solid admirer mode. Grabe effort ko dati, hindi naman halata. Nagpa-unli 350 pa ako sa Sun Cellular, yung pinakaunang unli call and text. Hindi pa uso data noon, so text at tawag lang talaga ang laban. Kahit wala akong masabi minsan, magtetext lang ako ng random, tapos matutuwa na ako pag nagreply siya. Minsan tatawag ako, tapos pag sumagot siya, biglang mauubusan ako ng sasabihin. Ending, tatawa lang ako tapos magdadahilan na “wala lang, check ko lang kung gising ka pa.” Ang corny pero ang saya. Umabot pa sa point na gusto ko sundan kung saan siya mag-eexam for college. As in iniisip ko, “saan kaya siya? baka pwede ko rin itry dun.” Hindi dahil yun yung dream school ko, kundi dahil nandun siya. Ganun ka-simple yung logic ko noon. Wala namang naging kami. Wala ring big confession. Walang dramatic na ending. Pero hanggang ngayon, pag naaalala ko, napapangiti pa rin ako. Ang simple lang dati magka-crush. Walang overthinking, walang mixed signals na kailangan i-analyze. Konting reply lang, solve na araw mo. Nakakamiss yung ganung feeling. Yung wala ka namang inaasahan, pero ang saya-saya mo na.