unsafe room huhu katakot
Last year nangyari ‘to nung nagre-rent ako sa Baguio. Normal lang yung bahay, tahimik, walang weird sa simula. Kasama namin sa house yung landlady at anak niya. Napansin ko lang after a while, parang laging may sakit yung anak niya. Ilang beses ko narinig na kung saan-saan na sila nagpatingin pero walang malinaw na diagnosis. One time, may dumating na albularyo. Hindi ko nakita lahat, pero after nun may part ng sahig na parang may ginawang ritual. Hindi ko tinignan nang matagal, pero halata na hindi siya normal. Doon na nag-iba yung pakiramdam sa bahay. After that, hindi na natutulog sa kwarto nila yung mag-ina. Sa sala na sila lagi. Wala namang sinasabi, pero halata mong may iniiwasan sila. Isang gabi, nasa kwarto lang ako, nakikinig ng music. Biglang nagpalit yung kanta kahit hindi ko naman ginagalaw. Hinayaan ko lang nung una, pero nangyari ulit. Tapos napunta sa isang kanta na hindi ko kilala. May part na parang may nagsasalita, hindi ko ma-explain pero sobrang off pakinggan. Doon ko na pinatay. Akala ko yun na yun, pero kinagabihan nagising ako around 3AM. Pagmulat ko pa lang, ramdam ko na agad na may mali. Pagtingin ko sa may pinto, may nakatayo. Hindi ko makita yung mukha, parang anino lang pero mas solid. Ang pinaka malinaw lang yung mata na parang mali yung kulay. Hindi ako makagalaw. Diretso lang siyang lumapit hanggang sa maramdaman ko na umupo siya sa gilid ng kama. Lumubog yung mattress. Tapos may humawak sa braso ko. Sobrang lamig, hindi normal. Doon ako napabalikwas at lumabas ng kwarto. Hindi ko na binalikan yung itsura niya. After nun, kahit ilang buwan pa ako nag-stay, hindi na ako naging kampante sa room na yun. Hindi ko na kayang matulog nang maayos. Kaya nung nagkaroon ako ng chance, umalis na ako without thinking twice. Hindi ko na hinintay na may mangyari ulit.