Wrong Send
Alas dose na yata nun. Pagod ako galing work tapos nakahiga nalang habang nagra-rant sa best friend ko tungkol sa araw ko. Yung tipong gusto ko nalang lamunin ng lupa kasi napahiya ako sa meeting tapos feeling ko ang tanga tanga ko buong araw. Mahaba yung chat ko. Halo-halong reklamo, self pity, at dramatic na “magre-resign na talaga ako.” Pagkasend ko, may mali agad akong naramdaman. Hindi sa best friend ko napunta. Sa officemate ko. As in yung officemate na halos hindi ko naman nakakausap noon maliban sa “good morning” at “pa-send naman nung file.” Nakita niya agad. Gusto ko nalang mawalan ng internet habang buhay. Nagreply siya after a few seconds. “Matulog ka muna bago ka mag-resign.” Yun lang. Pero ewan ko bakit natawa ako agad. Siguro kasi akala ko ijjudge niya ako o magiging awkward pagkatapos nun. Kinabukasan pagdating ko sa desk ko may kape. May sticky note pa. “Para less dramatic ka today.” Doon yata nagsimula yun. Hindi naman kami agad naging super close. Pero after nun parang naging mas madali na mag-usap. Minsan magcha-chat siya tungkol sa work tapos mapupunta sa random na bagay hanggang sa naging normal nalang na magkausap kami araw-araw. Hanggang sa naging sabay na kami mag-lunch minsan. Sabay umuwi kapag parehong late. Magkausap habang traffic. Mga simpleng bagay na hindi mo namamalayan, hinihintay mo na pala araw-araw. Ang dali niya kasing kausap. Hindi siya trying hard maging funny pero natatawa ako lagi. Hindi rin siya yung tipo na laging nagbibigay advice. Minsan makikinig lang siya tapos okay na. Naalala ko may araw na sobrang bigat ng work tapos naiiyak na ako sa CR kasi pakiramdam ko wala akong ginagawang tama. Pagbalik ko sa desk ko may message siya. “Kape tayo?” Hindi niya alam pero sobrang kailangan ko nun that day. Siguro dun ako pinaka nahulog. Sa mga maliliit na bagay na hindi naman big deal para sa ibang tao pero tumatama sakin. Hanggang sa dumating yung gabi na nagkukwentuhan kami habang pauwi tapos casually niyang nabanggit na may nililigawan siya. Parang may kung anong lumubog sa tiyan ko nung narinig ko yun. Hindi ako umimik agad. Tumango nalang ako tapos kunyaring normal lang. Kasi wala naman talaga siyang ginawang mali. Hindi niya naman ako pinaasa. Ako lang siguro tong naglagay ng meaning sa lahat. Sa kape. Sa chats. Sa pag-aalala niya sakin. After nun medyo inayos ko sarili ko. Hindi naman kami naging awkward. Close pa rin kami hanggang ngayon actually. Pero minsan naiisip ko pa rin siya lalo na kapag madaling araw tapos pagod ako galing work. Nakakatawa isipin na nagsimula lahat dahil sa maling send. At siguro ganun talaga minsan no? May mga taong darating sa buhay mo sa pinaka-random na paraan tapos iiwanan ka nalang bigla ng feelings na ikaw nalang mag-isa magdadala.